
I always look forward to the day that I will finally say…
1 November 2007Sa Dubai, ang magkaroon ng sariling sasakyan ay hindi luxury kundi necessity. Kung isa kang commuter (at nanirahan o naninirahan sa Dubai) na gaya ko, naranasan mo na marahui ang isa sa mga sumusunod:
a. Maging biktima ng mass genocide
Umagang umaga, kaliligo mo pa lang at fresh na fresh ka pa. Pati ang hanging sinisinghot singhot mo ay malamig at tunay na nakagiginhawa ng pakiramdam. Dahil hindi naman rampant ang pollution sa Dubai, hindi mo na aabalahing kunin ang panyo sa iyong bulsa na may burda pang letter L na gawa ng iyong nanay upang hindi ito nenokin ng kasama mo sa bahay. Sumakay ka nasa bus na trenta minutos mong hinintay. Biglang bigla, akala mo umatake na ang biological weapon na matagal ng isinekreto ng mga iranyan. Nakita mo ang sarili mong hindi makahinga sa anghit ng mga bagong sakay na pana at patan na classified sa dalawang uri: a.) anghit na mala-sibuyas at b.) anghit na mala-bayabas. Actually, pareho namang nakasusulasok ang amoy niyon. Makalipas ang ilang Segundo, natagpuan mo na lang sarili mong bad trip ,masuka-suka at gustong pumatay ng tao.
b. Tubuan ng ugat
Nabanggit ko na ba na isang dekada bago ka makasakay ng bus?
Isa sa mga bagay na namiss ko sa Pinas ay ang tricycle at jeep. Hindi naman sa nangulila ako sa sensasyon ng pag-ugoy ng tricycle kapag dumadaan sa humps o ang pakikipagrambulan ko sa Guadalupe para makasakay ako ng jeep papuntang Pateros. Namiss ko ang pagiging accessible (somehow…most of the time) ng mga sasakyang nabanggit ko. (Pwera na nga lang kung maulan at bumabaha na.) Dito kasi, may schedule ang bus. Yung ibang bus, every after 10 minutes. Yung iba 30 minutes. Madalas sa kanila every after 10 centuries.
c. Inhumane Treatment
Pagkatapos mong maghintay ng habambuhay, dumating din sa wakas ang mga tinamaan ng magaling na bus. Pagtapat nito sa bus stop kung saan ka naghihintay with your 2.5-inch heels, bubukas ang pintuan ng bus at magmamadali ka ng makapasok. Kala mo sinwerte ka na hanggang sa sabihan ka ng driver nito ng:
“Sorry. No more seats.” Sabay sara ng bus door at hindi ka na hahayaan nitong maka-recover.
Sa madaling sabi, maghihintay ka uli ng panibagong lifetime.
d. Makakakilala ng mga kapwa pinoy
Heto ang pinaka-exciting na part ng paghihintay ng bus. Marami-rami na rin akong nakilalang mga “Kabayan” dito sa Dubai. Marami sa kanila makukulay talaga ang buhay.
Samu’t saring personality: tahimik, pakialamera, kumag, maabilidad, babaero, mahilig mam-boys, mahilig gumimik, Muslim, Kristyano, INC, mabilis magsalita, mabagal maglakad, mahilig mang-irap, mapang mata, mapagkumbaba, mahilig sa pinoy, mahilig sa arabo, talsik laway, bibo, mayabang, mahiyain, confident, overconfident at marami sa kanila mahilig magtanong kung saan ako nakatira sa Pinas. Gwahehehe.
Yung pinaka-hate ko lang talaga sa mga nakilala kong kapwa Pinoy eh yung tipong ikinakatwang Pinoy siya. Tapos, tatanungin mo lang tungkol sa lugar, iirapan ka at titignan ng matalim. Para bang sinasabing, ‘Huwag mo akong kakausapin, kundi dudutdutin ko mata mo!’ Ang totoo, yung ibang naging kaibigan ko na sa paghihintay ng bus, kinuwento sa aking naranasan na rin nila makalamuha ang mga kagaya ng hunyangong ito.
At lastly, ang pinakamagandang pwedeng mangyari sa iyo kapag naghihintay ka ng bus ay ang ma-convince mo ang sarili mong maglakad na lang.
Not so bad. At least for me.
Kasi kung hindi ako nagmasipag nung isang araw na maglakad, hindi ko mapupulot ang cute na cute na digicam na ito.
Gwahehehehehe..
PS. Sabi ni Lord, don’t covet. Kaya naman nag-email na ako sa isang sikat na newspaper publication dito sa Dubai, UAE upang i-publish na nila ang napulot kong digicam.
PS.2
Nung isang araw lang, habang nag-gogrocery ako, ang ini-ingat ingatan kong 80dirhams (900phpesos) ay naiwala ko.
well, buhay nga naman oo!

naku chao! sabi mo pa! hindi talaga… lam mo nga, nung kalalapag pa lang ng eroplano pagdating namin sa Dubai, naman oh… yun na agad ang nagwelcome sa amin.. pero in fairness naman sa iba sa kanila, mababango naman yung iba…
nag-work kasi ako sa noon makati kaya napadpad ako ng Guadalupe… tapos ang siste pa, pag umuulan, hala! basang basa na damit ko bago pa ko makasakay! hirap talaga.. well.. anyway, okei naman din buhay commuter noon. yung transfer ng jeep hindi ko na naabutan, yung habulan ng jeep na lang… haha! wala pang na-angkin ng digicam.. waaah!! akin na ‘to.. hahahaha (=^.^=) kaso, wlang charger eh.. hmmn… panu kaya ito?
sya nga pala Ice, tag kita ha?
http://azrael666.wordpress.com/2007/11/02/7/
pag may oras ka lang.
haha! swerte tlaga… at blessed… sna nga makapulot rin ako ng laptop! haha!
nakow! sinabi mo pa! di ba nga nasa dubai ako, mantakin mo may nag-e mail sa akin na taga-Kuwait. sabi kanya daw yun! sabi ko naman “sige nga kung iyo ito, tumambling ka nga ng 20 times at ilibre mo ko ng ice cream!” pero syempre joke lang iyon, sabi ko sa kanya ibigay niya sa akin ang model at features ng digicam niya. ang layo eh, sony cybershot yung sa kanya. kaya, nek nek niya noh.
***
ay oo! may mga jeepney drivers na walang puso at mag-cucutting trip. tsk tsk tsk. ako rin dati maligaw ligaw at di alam kung saan bababa at sasakay. nyahahaha! ambait mo naman at ng father dear mo! ginintuan ang puso.
[...] in Uncategorized at 12:26 pm by icsx One of the previous entries I posted tackled a bit about bus and commuting in [...]
haha! talaga inaaway mo? ang tapang mo naman! *clap clap*
sayang yung 80dhs noh? kainis… hehe.. hamo na nasa mabuting kamay na yun.
basahin ko yung sa blog mo tungkol sa a-office mate mo tapos kuyugin natin siya.
san ka sa dubai rhapsody? ako sat** lang.
sayang! nag-aral pa naman ako ng kick boxing! tlg s*tw*, japlya, dyafa, jumirah? hehe. nice…