h1

shall i say goodye for a while?

21 December 2006

Ikaw ang lahat sa akin
Kahit ika’y wala sa aking piling
Isang magandang alaala
Isang Kahapong lagi kong kasama

Literatura ang unang pag-ibig ko… natatandaan ko ng anim o pitong taong gulang lamang ako ng nagsimula akong mahumaling sa mga maikling kuwento na kinasasabiklan kong basahin mula sa mga libro ng nakakatanda kong kapatid… tuwing hapon, hindi ako matatagpuan na kasama ng aking mga pinsan sa labas ng bahay na naglalaro ng lutu-lutuan o ng manikang dinadamitan ng mga makukulay at magagarang kasuotan. Madalas, andun ako, sa nasa pinakamataas na baitang ng hagdanan sa bahay ng aking lola. Nagbabasa ng Walong Taong Gulang o ng Ang Kuwento ni Mabuti… Mas makulay kasi ang buhay nila. Mas masaya. Dinadala ako sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan at ipanapakilala sa mga taong hindi ko pa nakakasalamuha.Ang mga libro ang aking naging kanlungan ko sa oras na hindi ko maintindhan ang mga tao sa paligid ko… Sila ang nagturo sa akin ng mga bagay na hindi ko maunawaan… Umibig ako sa mga kuwento nila, nakiiyak sa mga tauhan, nakidalamhati sa kabiguan ng mga ito, napangiti sa kanilang mga natamong tagumpay at nakihalakhak sa bagay na kaaliw-aliw… Ang mga libro at mga kuwento ang aking naging kakampi… walang ibig makisalamuha sa mundo ko…


Ikaw ang lahat sa akin
Kahit ika’y di ko dapat ibigin
Dapat ba kitang limutin
Pa’no mapipigil ang isang damdamin
Kung ang sinisigaw ikaw ang lahat sa akin

Isang kontes ang sinalihan ko nung nasa grade five ako, at nanalo ako sa isang paligsahan ng pagsusulat ng sanaysay. Pwede naman pala akong magsulat. Kaya ko pala. Pwede naman rin pala akong magkwento bakit hindi ko ito ginawa noon pa? Ngunit, lagi na lamang akong nawawala sa landas na gusto kong puntahan… lagi akong iminumuwestra ng mga kamay na malayo sa mga pangarap ko… Gawin mo ang mga ito… gawin mo ang mga iyan… Hindi ganyan kundi ganito… Mali ka… Tama ako… tama kami… Hindi ako naging malaya sa pagpapasya, ni hindi ko nalaman kung paano magpasya sa kung ano ba talaga ang gusto kong gawin, kaya marahil hanggang ngayon nagduda pa rin ako sa sarili ko… hanggang ngayon, dinadalaw ako ng aking hindi pagiging sigurado sa mga bagay na gusto ko o ayaw ko… Nagtapos ako ng elementarya ng may medalya sa ibang mga larangan ngunit mga istorya at kwento pa rin ang nasa isip ko… Tumuntong ako ng high school, napuno na naman ako ng pagdududa… sa sarili ko… sa kung anong magagawa ko… sa kung anong maari kong marating… kung makakapagsulat pa ba ako… nagsusulat pa rin ako… ngunit muli… kahit ito ang gustong gusto ko… naligaw na naman ako ng mga maling pagpapasya… tinigil ko na ang pagbabasa… tinigil ko ang pagsusulat… itinapon ang mga ito… kahit alam kong ito ang buhay ko… inisip ko… hindi naman ako magaling sa pagsusulat… disin sana’y kasama ako sa mga school papers noon… nagsusulat ng artikulo… nagsusulat ng sanaysay o ng editoryal o ng mga kaganapan sa aming school… pero hindi naman ako pumapasa sa mga pagsusulit para makasama ang mga pinakamahuhusay… hindi ko alam kung anong eksaktong dahilan… marahil… hindi naman talaga ako para sa pagsusulat… ni hindi ako nararapat humawak ng kahit anong panulat… hindi ako nararapat tawaging manunulat… Tinapon ko ang pangarap ko… kahit ang mga literatura ang isinisigaw ng isip at puso ko…


At kung hindi ngayon ang panahon
Upang ikaw ay mahalin
Bukas na walang hanggan
Doo’y maghihintay pa rin

Matagal ko nang ibig na kumatha ng mga kuwentong bunga ng aking mga pangarap… at mga kabiguan… Pero sa tuwina… bakit puro hinanakit na lang ang nararanasan ko kapag pinipilit kong gawin iyon…

Sabi ng mga batikang manunulat na sina

Ikaw ang lahat sa akin
Sa Maykapal aking dinadalangin
Dapat ba kitang limutin
Pa’no mapipigil ang isang damdamin
Kung ang sinisigaw ikaw ang lahat sa akin

At kung hindi ngayon ang panahon
Upang ikaw ay mahalin
Bukas na walang hanggan
Hanggang matapos ang kaylan pa man
Bukas na walang haggan
Doo’y maghihintay pa rin

Pano mapipigil ang isang damdamin
Kung ang sinisigaw
Ikaw ang lahat sa akin

Advertisements

One comment

  1. Ahhh… oo nga. Marami tayong pagkakapareho. Alam mo, pag iniisip ko ngayon, hindi ko rin alam kung paano ako na-in love sa libro. Basta alam ko, bata pa lang ako, mga 6-7 years old, binabasa ko yung mga lumang story books sa bahay. hanggang sa hinahanap-hanap ko na sila. wala akong naging problema pagdating sa pinipilit na makipaglaro sa mga pinsan, kasi nga hangga’t maaari, ayaw ng pamilya ko na nakikipaglaro ako sa labas.

    grade school naman, sumali na ako sa mga kontest sa writing at speech. awa ng diyos, nananalo, na-fortify tuloy kagustuhan kong malinya sa pagsusulat.

    muntik na akong mag-nurse. lahat ng magagandang opportunities sa nursing, nakahain na sa akin. kaso ayoko ng dugo. at gusto ko ngang mag-comm arts.

    pero alam mo kung ano ang pinakapangunahin, pero pinakamababaw kong dahilan sa pag-enroll sa CA? gusto kong lumaya.

    masyado kasing strict pamilya ko noon. nasakal ako.

    ngayon naman, nagawa ko na. hindi man ako singyaman ng ineexpect nila klung nag-nurse ako, wala akong paki. wala akong pinagsisisihan.

    ***
    salamat sa iyong komento lenggai.
    naniniwala akong pag gusto ng puso mo at kapag tinuon mo na ang sarili mo dun,
    tapos sabayan ng pananampalataya sa Taas,
    kahit gaano kalaki, kaimposible, kabaliw, kaspongklong,

    mangyayari at mangyayari.

    ‘ika nga ni P.Coelho ‘the universe will conspire to help you achieve it’
    sa version ni Papa God ‘delight yourselves unto the Lord and He will give the desires of your heart’

    ang ultimate dream ko eh maging screenwriter na kasing husay ni R.Lee. or maging kasing laya niya.
    I was restricted not by people but by circumstances. nakita ko na kasi hindi ko agad pwedeng i-pursue ang dream ko kasi wala kaming pera at kailangan ‘tumulong sa pamilya.’ pero magaling si Papa God dahil in one month’s time, ibabalik Niya uli ako sa writing. hindi man sa film pero media pa rin naman! winner pa din!



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: