h1

Testimonials… My vow…

18 June 2007

Kuya ko nung una, actually hindi ko alam kung anong pwedeng itawag sa kaniya. Pambihira! Napakasuplado!
Noong pinansin niya kong kumakain ng doughnut dun na nagsimula,
kakatawa nman pagkain pa talaga…

Tapos naging close friend, naging confidant,

Tapos nag-telebabaran hanggang mga alastres ng madaling araw-nagtatanungan kung anong paboritong kulay, pagkain, gawin, pag-usapan…

Masasayang mga laro ng table tennis

Mga panakaw na holding hand…

Natatandan mo pa ba?
Noon

Nagtataka ka kung bakit may mga taong kahit gaano katagal magkahawak- kamay..
hindi pa rin sila nagsasawa na para bang may nakakayamot na magic sa paghahawak kamay ngayon marahil hindi na ito nakakayamot

alam na nating dalawa kung bakit.

naramdaman na nating dalawa kung bakit.

Masayang masaya ako na ikaw ang binigay ng Panginoon sa buhay ko.
Hindi ko man masabing naghahagalpakan tayo ng tawa lagi (pero madalas,hehehe)
At kung minsan (gaano kadalas ang minsan, ahehehehe)
May mga bagay akong ginagawa na ikinagugulat mo, ikinasasama ng loob mo, o ikina-iisp mosyempre, tandaan mo na lnghindi laging matino ang girlfriend mo
Pero,
ang alam ko lang…

hanggang sa manuot na ang lamig sa mga butuhin kong mga kamay,
hanggang sa hindi ko na mabanaag ang pagdatal ng bukang liwayway
hanggang sa araw na hindi ko na mawari kung ano ang panaginip sa pakiwari,
sa pangarap sa katotohanan,
sa malalamig na dampi ng hangin sa mainit na hininga ng haring araw
hanggang sa tumakas na ang buwan at lamunin ng panibagong kinabukasan
ang mga kamay mo lang ang gusto kong hawakan…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: