h1

malapit na pala….

6 November 2007

4 na araw na lang at 4 na taon na kami ni chris aka bitoy.

kahit na madalas ayaw niyang hawakan ko ang mukha niya at kurutin at ilong niya dahil lumalabas ‘daw’ ang oil dito,

kahit minsan para ko siyang tatay at detractor sa pag-criticize niya sa akin at sa paraan ng pananalita ko,

kahit minsan nakakalimutan niya akong sabihan ng maganda kahit joke lang,

at kahit minsan nakakalimutan niyang girlfriend niya ko at hindi katropa…

mahal na mahal ko pa rin itong si ka bitoy…

masarap ang kanyang adobong manok at chicken mushroom soup…

tinuturuan niya akong magluto…

inaalagaan niya ko pag may sakit ako…

minamasahe ang ulo kong madalas sumpungin ng migraine…

pinapangaralan niya ako ng mga bagay na hindi ko natutunan sa tatay kong umabandona sa amin (ngunit muling nagbalik upang handugan kami ng awiting rak en rol)

tinuruan niya akong madadaan ang lahat sa pagiging mahinahon at sa diplomasiya at pag-uusap

naitimo niya sa puso at isip ko na maaari kong gawin ang anumang bagay na gusto kong gawin kung ito ay kalooban ng Diyos at kung may passion ako sa bagay na iyon…

na mahalin ang mga bagay na ginagawa ko…

na maging malawak ang pang-unawa…

na masarap tumawa kahit tumatalsik ang laway mo…

na isipin ang mga bagay na makakabuti at makakasama sa kapwa mo…

at higit sa lahat, tinuruan niya akong mahalin ang sarili ko.

Mahal, kung mababasa m ang entry na ito, gusto kong malaman mo na mahalaga ang panahon na nagdaan na magkasama hindi dahil masarap magbilang ng taon at may maipagmamalaki akong long term relationship. Kundi dahil ito ang ibinigay ni Lord para i-enjoy natin ang ganda ng buhay at ang tunay na kahulugan ng acceptance at unconditional love. At kagaya ng sinabi ko sa iyo dati:

Masayang masaya ako na ikaw ang binigay ng Panginoon sa buhay ko
Hindi ko man masabing naghahagalpakan tayo ng tawa lagi (pero madalas,hehehe)
At kung minsan (gaano kadalas ang minsan, ahehehehe)

May mga bagay akong ginagawa na ikinagugulat mo, ikinasasama ng loob mo, o ikina-iisp mosyempre, tandaan mo na lnghindi laging matino ang girlfriend mo
Pero,
ang alam ko lang,
hanggang sa manuot na ang lamig sa mga butuhin kong mga kamay

hanggang sa hindi ko na mabanaag ang pagdatal ng bukang liwayway
hanggang sa araw na hindi ko na mawari kung ano ang panaginip sa pakiwari,
sa pangarap sa katotohanan,
sa malalamig na dampi ng hangin sa mainit na hininga ng haring araw

hanggang sa tumakas na ang buwan at lamunin ng panibagong kinabukasan
ang mga kamay mo lang ang gusto kong hawakan

I lab yu lab yu

me-and-mahal.jpg

Advertisements

4 comments

  1. ayyy…. ang sweet namannn…
    advance happy anniv. sa nyo.

    πŸ˜‰

    ***

    salamat po ng maraming marami.


  2. AWwww, ang sweet naman nito! Nilamig tuloy ako bigla, hehe…
    Advance Happy Anniv! Congrats to both of you! πŸ™‚

    ***

    wrrar ba? raar! haha… minsan lang maging mushy kaya nilubos ko na.
    thanks sa pagdaan.


  3. yiheeeeeeeeeee!

    hahahaha πŸ˜›

    mas kinilig ako sa reply niya sa sulat na ito. gonna post it here para may sequel sa entry na ito.


  4. amsweeett naman1 nakakakilig! yippee! hanggang dito pala naamoy ko ang simoy ng pag-ibig. haha. ^_^

    sarap talagang mainlove.

    super sarap! haha πŸ˜€ salamat sa iyong pagbisita earth lotus (=^.^=)



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: