h1

Faith is being sure of what we hope for and certain of what we do not see (Heb11:1)

5 December 2007

Maraming pwedeng mangyari sa isang araw.

Katulad na lang kahapon.
Umaga, on the way ang tech crew, ang marketing manager at ako syempre, ang dakilang alalay ng lahat,
sa isang Delegation/ Conference sa Ras al Khaimah. Ito ay para i-persuade ang mga Chines investors, na inin-troduce ng
mayutak naming boss, para itapon ipagkatiwala nila ang kaban kabang yaman nila sa lugar na ito.

Brief info:

Ang RaS AL khAimah ay isa sa mga emirates, sampu ng Dubai, na bumubuo sa United Arab Emirates (UAE).

Ras al KhaimahKasalukuyan itong pinapayaman ng pamahalaan ng RAK sa pamamagitan ng pang-iimbita ng mga foreign investors.
Nilalayon nilang tumulad sa Dubai na may man made islandssssss (Palm Jumeirah, Palm Dubai, Palm Deira), aktibong turismo at bilyong dolyar.
Maliban sa naligaw kami kahapon dahil puro disyerto (na may kaakit akit na malagintong sand dunes) eh masarap ang hinandang pagkain sa hotel (Al Hamra) na pinagganapan ng conference.

Sa aming paglalakbay, nagulat ako ng inabot sa akin ng boss kong si Jenny ang ilang pirasong papel at pen.

“Ano ‘to?” wika ko.

“Shusch lai mah! Kow lsiufn. Shing Ching Ping!!!!” sagot niya.

Jowk.

Sabi niya tulungan ko siyang gumawa ng tanong para sa Q&A portion ng Conf. Napailing na lang ako kasi nga naiinis na ‘ko. Hindi mawala sa kanya ang pagiging hindi organisado. Hindi man niya lang ito nabanggit kahapon sa meeting samantalang buong araw kaming magkasama. Di bale na, kako, tatlong araw na lang naman ako dito sa kompanyang ito at lilipat na ko. Konting tiis.

So sige, sulat naman ako ng tanong. Sulat dito, edit doon. Kapag hindi maganda sa pandinig i-cross out agad.
Opo, mahina sila sa spelling. Pero, alam nila kung paano at ano ang itatanong. Kumbaga may ideya na, tinulungan ko na lang sa pag-reconstruct ng sentences/questions at nag-suggest na lang din ako ng pandagdag panggulong tanong.

Bago kami tuluyang bumaba sa Chev ni boss, ok na ang lahat. Hanggang sa makarating kami ng RAK.
Pagkakita sa akin ni pagkagwapong gwapong CEO, (kamukha niya si Daniel Henney. please see pic below), nilapitan niya ‘ko at tumitig sa aking mga mata…Gwapoooo eh inutusan nya yung isa naming staff na i-interpret yung sinasabi niya sa akin (ang alam niya lang sabihin ay OK at very good). Kamukat mukat ako ang inuutusan niyang maging reporter sa halip na yung isa naming staff. Hala! Sabi ko , habang nakatitig sa mapupungay at singkit niyang mata at kahit hindi niya naiintindihan ang English ko,

“Sir, this is impossible! This is ridiculous! I wasn’t informed about this and I will not embarrassed myself by asking these damn questions!”

“In short, mukha mo! Kumag ka, kahit gwapo ka, pingasan ko yang mukha mo eh! Tantanan mo ko kundi ipu-pukpok ko ‘yung mic sa ulo mo.”

In the end nakita ko na lang sarili kong hawak ang mikropono at nakaharap sa camera. Grrr. Wika nga ng mga panang taxi driver dito sa dubai

‘ WHAT TO DO?????!!!!’

Dalawang oras ang pagpunta sa RAK mula Dubai, at maghapon kaming nag-stay para i-cover yung conf.
Buong araw sumakit ang ulo ko. Hindi ko nadala yung gamot sa migraine ko. Dusaaaaaaaa.

Matapos ang lahat lahat, naging positibo naman ang reaksyon ng mga interviewees, ng tech crew, ng MManager at ng CEO sa ginawa kong kabalbalan trabaho.

Instant media rep cum reporter ang lola niyo. aw!

Somehow, it made me realize na I enjoyed having my face in the front of the camera. I found out I can do it without trembling hands and shaky voice. I feel more confident. Kaya ko pala. Kaya ko naman pala.

Before, I really prefer mga prod asst at tech staff tasks kasi ayaw/allergic nga ako sa camera pero ngayong nabigyan ako ng pagkakataon (break kuno), naisip ko, uh… not so bad… karirin ko kaya? Pano mangyayari yun? Gwahehe. eh anim na araw na lang, sa newspaper/magazine na ko. Weeeeeee!!! Walang camera. Meron dun, pressure, pressure, pressure. Although hindi naman pure writing work ko dun, editorial asst kasi yung position which demands admin support at manaka-nakang coordination at writing skills.

Pero dahil nga sa ang dakilang plano ko ay ang mga sumusunod:

1. maging nobelista (libreng mangarap)
2. maging screenwriter (super duper libreng mangarap)
3. mag may ari ng isang TV station… (yebah!)

(baka magkaroon TV appearances pa rin ako kaya dapat may training. naks!)

Plans which are a leeway to spread the good news. For God’s glory.
Mga planong kailangan pa ng approval ng nasa Itaas.

Maraming maraming maraming bagay pa kong kailangan matutunan, kailangang malaman, kailangang baguhin.
Pero ngayon, I pray God would bless me with a teachable heart and the right attitude.

***

Kahapon, nagkaroon ng hindi magandang pangyayari sa office nila Chris.
Umere ang French version TVC sa buong Middle east at nasayang ang $135K.

Isang fatal na pagkamamali na nagbunsod sa boss niyang i-threaten siya na tatanggalin sa work.

I really want to thank God how good He really is for intervening in this situation.Naayos ang di pagkakaunawaan, although malaki yung damage. Pero it seems it wasn’t Chris’ fault at all. ’twas his boss’.

Nais kong i-quote ang sinabi ni Chris ukol sa pangyayari, ‘kapag naisip mong maari talagang mawala ang lahat sa ‘yo sa isang iglap, trabaho, mga minamahal sa buhay, mga bagay na pinundar at pinaghirapan mo, may Diyos naman na may kontrol sa lahat ng bagay na pwede mong sandalan. Magbabago ang pananaw mo sa lahat ng bagay.’

I cannot agree more.

***

Mga photos ng event kahapon:

Arabo at Chino.

Mga Big Boss ko

 

 

 

 

 

 

 

 

Seryosohan na

Advertisements

5 comments

  1. Praise God! It feels so good when things fall into place and they go the way you want them to.


  2. yung mga “pangarap” mo… bakit nga ba hindi? lalo’t to spread the Good News ang vision mo. lalo na yung third (ala-FEBC DZAS, naks!). kung kalooban yan ng Diyos e talagang mangyayari yan. 😉

    sige nga a-ding… pag nangyaring may TV station ka na at medyo malakas-lakas pa ang tuhod ko, apply akong worker mo. hehe… sayang naman yung tinapos kong Devcom. kinakalawang na nga yung mga alam ko sa audio-visuals na major field ko. 😛


  3. wow… wag mo kaming kalilimutan ha… sayang sana man lang nai-video mo heheheh….

    lam mo naantig talaga ako sa quote ni Chris mo… kasi totoo talaga un. na sa isang iglap maaring mangyari ang hindi magagandang bagay sa buhay mo… pero kung may paniniwala ka sa kanya everything will turn out right.. it happened sa isang friend ko dito. but thank God he joined in a new company & he settled some problems with his previous boss… konting problema na lang ang aayusin nya at balik ulit sa dati ang buhay niya.


  4. ayos tong post mo na ito, ice!

    happy 2008! 😀


  5. hahaha!!! i realy dont now kng sino gumawa nyan…..
    pro kng sino ka man….. ganyan tlga ang buhay..lalo na sa trabaho.. maski d mo responsibility…..ginagawa mo nlng…ksi syempre pag hindi mo yun gwin..may possibility na… mapahiya ka or yung company mo diba…. pro ito tandaan mo poh…mski gno man yan kahirap you should do that for GOD….hndi pra sa boss mo or whatever..okey poh!
    bstat tandaan mo poh…..pra hndi mahirap gwin….isipin mo nlng poh na your doing those things pra kay GOd! k! GOD bless! always pray okey!
    and always remember na God is always ther to comfort you! his more than a friend!…..



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: