h1

About Icsx

I am a Communication graduate who’s a mixed of introvert and extrovert with great passion for learning new things. A goal oriented person who values healthy competition and listens attentively to constructive criticisms. I am also pro-active, one who thinks of possibilities and plans that need execution in case unexpected circumstances arise. I am more confident talking about things I know and I master of, thus I think before I speak.

(ok lang ako?)

Ako si Ice. Proud to be saved by God.
Currently residing sa Dubai at kinukulit ang utak ko kung ano ba talagang gusto kong mangyari sa buhay ko.

Pangarap ko magkaroon ng sariling TV station na magpapalabas ng mga programang may katuturan at magiging daan upang mabago ang isip at puso ng mga taong manonood ng channel ko.

Mahal ko po ang bansang Pilipinas, ang tatay kong kulot, ang nanay kong yumao na, ang pito kong kapatid na may kanya-kanyang kakumagan at talento, ang bestfriend kong artistic, ang mga kaibigan ko Pinas, mga klasmeyt nung hayskul at syempre pa… si God.

masaya ako pag umuulan, pero malungkot ako pag bumabagyo.

mahilig akong mangulekta ng notebook kahit hindi ko sinusulatan.

paborito ko ang cartoons na Akazukin Cha Cha at kahit tumanda pa ako, hinding hindi ko makakalimutan ang pares ng mata ni ‘punungguru’.

hindi ko natapos panoorin ang MaskMan (maykel dyoooowww…..) at ang mask rider black… sayang nga eh, feeling ko hindi naging kumpleto ang pagkabata ko.

mahilig akong mag-peace sign sa picture. palagay ko bagay siya sa mata kong mukhang anime. (nye nye!)

mahilig ako sa kape kahit parang laxative na ang dating nito sa akin.

at finally, gusto kong mag-blog kasi gusto kong maging malaya.

Advertisements

17 comments

  1. welcome to blogosphere ice 🙂

    thank you so much Trish. i like your name…


  2. ayt to!!!! me gonna add you to my blagroll new friend#5!!! =)

    haha! salamat! mwahmwahsh!


  3. “mahilig akong mangulekta ng notebook kahit hindi ko sinusulatan.”

    hi ms. icsx…same here love ko mngulekta ng notebuks at sulatan ng mga quotes n mddaanan ko mp-internet man, SMS or basta kahit san ko mkita n pleasant to my eyes at me sense – cnusulat ko s notebuk…

    add kita s blog roll ko ha…

    yeah sure. add din po kita. alam mo, ang mga katulad mong tao, mukhang… sentimental at nagchecherish ng memories. nice hobbies, keep it up!


  4. Hi sis!

    Happy birthday din sa yo! ayos pareho pa tayo ng birthday ah!

    God bless and wish you more bdays and blessings to come!!

    😀

    thanks annie! happy bday! stay happy 😉


  5. sana nga sabay-sabay lumaya ang mga Pinoy at Pinay sa pamamagitan ng pag-blog! 🙂 love your posts, icsx!


  6. @ taroogs

    thanks taroogs… thanks for that encouraging comment 😉


  7. Oy geek ka rin icsx? Preho tayo mahilig sa anime, mata ko rin mukhang anime (lol), mahilig ako sa kape, mahilig ako sa ulan, pero takot ako sa bagyo, gusto ko rin free kaso im not bird! mwehehe…ano anime gusto mo? you like reading manga rin? i am gonna visit your blog na in a regular basis. na-add ko na url mo sa blogroll para di ko makalimutan address mo lol. takot ako mawala! Geek power! Yeah!

    kung ang tawag sa pagkausap sa sarili sa bathroom for 10 minutes bago maligo and you spent your childhood making bart simspon and barbie husband and wife… (freudian?) marahil nga may maliit ng porsiyento ako ng pagiging Geek (hihihihihhihihihi). i love anime ever since I was a child till now. manga? wala akong pambili. penge na lang.

    thanks a lot idomatrix for being cool!


  8. Hey Ice, thanks for taking time out to visit my blog. I enjoy your blog as well… 🙂

    That’s one good shot jovi! Uplifting. Thanks thanks 😉


  9. arrruuu…at nabola pa ako nito: “thanks a lot idotmatrix for being cool” awtsss! na-tats na naman puso(n) ko! hahaha! lahat kayo cool! cool na cool ka rin ice kaya stay cool lagi! 🙂 teka, san kayo magpapasko? uwi kayo pinas?

    haluuu… hehe. i find your style writing real good. fluid. spontaneous. with utmost sincerity.

    btw, dito ako magpapasko sa dubai. first time, so heartbreaking. but I’m trying to look at the brighter side of it. hayst 😦


  10. ang g’ling naman ng choice of template mo. and your writing style — i love it! 😀 keep it up! you’re right, Ice. blogging is one way to be free.

    aww.. thanks kuya homebodyhubby! my spirit lifted when I read your comments. what an encouragement! thank you very big! 😉
    and you’re right! It feels so good to blog… to express myself. rock blogger world as well!


  11. wow! “saved by the grace of God!!!”
    nice to read that!

    we’re particularly the same- “i’m more confident to talk with the things I know… but very willing to know something new…”

    hehehe…

    galing!! Godbless! BlessGOD!!

    pirmado,
    ginoong lapis

    Maraming maraming salamat po sa pagdaan ginoo. 🙂

    Yep! I am saved by God’s grace… I’d be forever grateful.
    Sinisikap ko po hanggang ngayon na magkaroon ng teachable heart at isang cute na laptop. (huh? connection? hehe 🙂 )


  12. ice…..ice….. baby? parang gusto rin kitang i-welcome kaso mo mas nauna ka pa sa kin. hehehe.

    cool naman itong blog mo, pero me sundot sa huli ng About Me page, tungkol sa pagiging malaya. naalala ko na naman tuloy yung kantang walang hanggang paalam.

    “di ba tayo’y narito upang maging malaya.. at upang palayain ang iba.”

    saka ok lang yun kahit di mo natapos maskman, ako rin nga di ko natapos yung voltes V. wehehehe! apir!

    gudlak and cheers!


  13. aba may katropa! voltes v! di ko rin natapos maskman, megaman, ultraman, shaider (naguluhan ako sa kwento nya, bat kaya?) etc. pero i learned a lot of fighting styles watching ’em kaya pag gusto ko sapakin brother ko…kailangan lang refresh my memory! talo pa si bruce lee!


  14. @ buraot

    haha! ice ice baby! why not? welcome po sa WP. nag-blogspot din ako dati eh kaso mas madaming noypi ‘subscriber’/’user’/blogger ng wordpress so lipat bahay ako. slamat po sa inyong pagdaan. gala gala lang kayo dito sa bahay ko. feel at home. 🙂 cool naman nung song. malaya at palayain ang iba. hmmn… yung voltes V din di ko natapos. haha! cheers! ang taray parang britishness! 🙂

    @ idotmatrix

    shaider din di ko natapos. sayang. kasi pag matatapos na ang ginagawa ng ibc13 inuulit uli nila from pilot ep. kainis!
    puro ba lalaki rin kapatid mo?
    ako rin napagitnaan ng lalaki, kaya kilos ko hindi ganun ka-feminine. nyehehehe. 🙂


  15. 🙂


  16. huy ice!!! nasan ka na???!!! miss na kita waaaaaaaaaaaaah!


  17. Hi,

    I’m Elmer and I work at pacificadvance.com, a company interested in blog advertizing. I found your blog icsx.wordpress.com engaging and I’m contacting you to ask if you are interested in blog post sponsorship.

    If you are interested, kindly mail back (elmer@pacificadvance.com) and I’ll send you pricing details, guidelines and processes. Looking forward to doing business with you.

    Sincerely,

    Elmer
    Pacificadvance.com



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: