Archive for the ‘changes’ Category

h1

There is None Like You

13 December 2007

Thanksgiving and praises…

Ang post na ito ay gagamitin ko upang pasalamatan ang Lord sa mga bagong bagay at masasayang kaganapan sa buhay ko nitong mga nagdaang araw.

Salamat unang una sa Lord sa isang buhay ng taong nakinig sa akin at siya kong pinagsabihan, pangalawa kay chris, ng mga ‘deepest darkest secrets ko’.haha! Alam mo na kung sino ka, at gusto ko lang sabihin sa ‘yo kung mababasa mo ito, na I greatly appreciate your open mindedness. Salamat at hindi mo ko hinusgahan at tiwala ako na safe ang mga secrets na ‘yon sa ‘yo.

Continue to pray for me. Thanks for the friendship.

Pangalawa, praises and honor unto God sa bagong work dito sa GN. I am really happy with my current job.
Perfect in every aspect.
Buti na lang alam ng Panginoon ano exactly yung laman ng puso ko.

Panginoon ng aking buhay…Salamat po.

Pangatlo, salamat sa Panginoon for continuously healing some areas of my life.
May song akong alam na ang title ay ‘Binabago mo ako araw-araw’. Ganyang ganyan ang nangyayari sa akin ngayon. At ang sarap magbago, though hindi siya madali, pero kapag nakikita mo yung bunga ng pagbabagong iyon kagaya ng pagkakaroon ng karagdagang saya, healed relationship, blessings, peace… lalo kang maiinspire magbago.

Maiisip niyo siguro…kuuu… si Ice naman, masyadong ispiritwal!
Ang masasabi ko lang dyan eh, ok lang.
Ano naman masama sa pagiging ispiritwal?
Maganda nga iyon.
You’re always looking forward to something to be thankful for.
And it’s always uplifting that all of that blessings will bring back ALL the glory to God.

Sa buhay ko, sa lahat ng natanggap ko, hindi iyon dahil sa maganda ako (chenez!), mabait (isang malaking jowk..haha!) at matalino ay sus! loko lang) ako, kundi higit sa anupamang reason, I received these things because God, my Lord, Savior, friend, Dad, wants everything that’s best for His children. And He will provide those according to His riches and glory.

At kahit hindi Niya i-provide yung mga bagay the way I expected it to be, I’ll still sing praises unto Him.
Because the deepest joy and purpose of my life I found in Him.
Kumbaga, lahat ng mga nangyayari ngayon sa buhay ko na sobrang saya, it’s a BIG bonus from God.

Ang sarap talagang gunitain kung gaano kabuti ang Panginoon.

Hep! Kung naiinip na kayo at gusto nyo nang mag ALT + TAB papunta sa ibang window, pakinggan niyo muna ito.

There is none like You
No one else can touch my heart like You do
I could search for all eternity long
And find there is none like You

Your mercy flows like a river wide
And healing comes from Your hands
Suffering children are safe in Your arms
There is none like You

h1

of ribbons and sweets – on 19th Nov

20 November 2007

Sa maniwala kayo o sa hindi, birthday ko ngayon. Happy birthday to me!
Masaya ako kasi naging mabait si Papa God sa akin despite ng pagiging hindi ulirang anak at pagiging pasaway.
Ngayong araw na ito, maraming sopresa ang naghihintay sa akin.

Una, naka-usap ko ng first time sa YM ang mabait na si Az. Hehe. Lekat. Nacute-an sa fwend ko pero sa akin ang sabi
“Hmm.. mukhang makulit” . Haha! Walang kadeskri-desripsyon. Basta mukhang makulit.
Naging isa siyang mabuting kuya na tinuruan akong magpalit ng header at magpalit ng theme
para macustomized ang header. Gwahehe! Az, thanks talaga ah.
Bale yung specs nung sa akin mail ko na lang kapag natapos ko ng i-conceptualized.

Pangalawa. Nagbigay ng Tiramisu cake at isang napakagandang bouquet ng flower ang aking
butihing boss na si Jenny. Napaka-sweet talaga niya kahit alam na niyang lalayas na ko sa kompanya within 1 month.

Pangatlo. reregaluhan ako ng kapatid kong mabait at ubod ng sungit pero malambing sa loob ng isang LAPTOP!
Oh mi golay!
LAPPPPPTTTTTTTTTOOOOOOOOOOPPPPPPPPPPPPPPPPPP!!!!!

kahit gawin mong 5210 celpon ko o yung tipong pangkaskas ng yero (as long as nakakatwag at nakakatext)
basta bigyan mo lang ako ng pangarap kong laptop, oh mi golay tlga!
kinikilig akooooooooooooooooo!!!!

Heniwei, January pa naman ang dating ng future laptop ko.
Maniwala uli kayo at sa hindi, ang tagal kong pinagpray ang laptop na yun.
Kung isa kang agnostic/atheist na bumabasa na blog na ito, naniniwala akong hindi ka aksidenteng napadpad dito.
Hindi kita pipiliting maniwala sa pinapaniwalaan ko.
Gusto ko lang sabihing at ipahayag ang sarili kong pinaniniwalaan hindi dahil kailangan kong papaniwalain ka kundi
kailangan kong sabihin kung ano ang buhay ko at laman ng puso at isip ko.
But I digress. My apologies.

***

Birthday rin pala ni Banana gurl Annie. Happy burtdey Annie. Taga-abu siya. Ako Dubai. And magkaburtdey tayo! watta coincidence!

***

Century tuna lang ang baon ko sa office. Pero parang feeling ko isa ako sa mga taong sobrang pinagpala ni Tatay.

***

One of these days, baka baguhin ko ang porma at nilalaman ng blog ko. Shift? Huh? Whatever.

h1

malapit na pala….

6 November 2007

4 na araw na lang at 4 na taon na kami ni chris aka bitoy.

kahit na madalas ayaw niyang hawakan ko ang mukha niya at kurutin at ilong niya dahil lumalabas ‘daw’ ang oil dito,

kahit minsan para ko siyang tatay at detractor sa pag-criticize niya sa akin at sa paraan ng pananalita ko,

kahit minsan nakakalimutan niya akong sabihan ng maganda kahit joke lang,

at kahit minsan nakakalimutan niyang girlfriend niya ko at hindi katropa…

mahal na mahal ko pa rin itong si ka bitoy…

masarap ang kanyang adobong manok at chicken mushroom soup…

tinuturuan niya akong magluto…

inaalagaan niya ko pag may sakit ako…

minamasahe ang ulo kong madalas sumpungin ng migraine…

pinapangaralan niya ako ng mga bagay na hindi ko natutunan sa tatay kong umabandona sa amin (ngunit muling nagbalik upang handugan kami ng awiting rak en rol)

tinuruan niya akong madadaan ang lahat sa pagiging mahinahon at sa diplomasiya at pag-uusap

naitimo niya sa puso at isip ko na maaari kong gawin ang anumang bagay na gusto kong gawin kung ito ay kalooban ng Diyos at kung may passion ako sa bagay na iyon…

na mahalin ang mga bagay na ginagawa ko…

na maging malawak ang pang-unawa…

na masarap tumawa kahit tumatalsik ang laway mo…

na isipin ang mga bagay na makakabuti at makakasama sa kapwa mo…

at higit sa lahat, tinuruan niya akong mahalin ang sarili ko.

Mahal, kung mababasa m ang entry na ito, gusto kong malaman mo na mahalaga ang panahon na nagdaan na magkasama hindi dahil masarap magbilang ng taon at may maipagmamalaki akong long term relationship. Kundi dahil ito ang ibinigay ni Lord para i-enjoy natin ang ganda ng buhay at ang tunay na kahulugan ng acceptance at unconditional love. At kagaya ng sinabi ko sa iyo dati:

Masayang masaya ako na ikaw ang binigay ng Panginoon sa buhay ko
Hindi ko man masabing naghahagalpakan tayo ng tawa lagi (pero madalas,hehehe)
At kung minsan (gaano kadalas ang minsan, ahehehehe)

May mga bagay akong ginagawa na ikinagugulat mo, ikinasasama ng loob mo, o ikina-iisp mosyempre, tandaan mo na lnghindi laging matino ang girlfriend mo
Pero,
ang alam ko lang,
hanggang sa manuot na ang lamig sa mga butuhin kong mga kamay

hanggang sa hindi ko na mabanaag ang pagdatal ng bukang liwayway
hanggang sa araw na hindi ko na mawari kung ano ang panaginip sa pakiwari,
sa pangarap sa katotohanan,
sa malalamig na dampi ng hangin sa mainit na hininga ng haring araw

hanggang sa tumakas na ang buwan at lamunin ng panibagong kinabukasan
ang mga kamay mo lang ang gusto kong hawakan

I lab yu lab yu

me-and-mahal.jpg

h1

yey! pinoy wordpress member na ko!

30 October 2007

WORDPRESS PINOY BLOGGER

got this from wordpress pinoys…

it’s a must for each member to put this image to their blog’s sidebar so here it goes… tadah…

masunuring bata na ko…nyhehehehe…

h1

To change and change for the better are two different things – a German proverb

29 October 2007

To move from blogger to wordpress was such a difficult decision. I’ve been really comfortable using all the templates and experimenting with my account in blogger. But then, what pushes me to finally use wordpress is that, oh well… I’ve observed so many fellow kabayans have been using it over blogger. Maybe I just want to be in (not really), or let me put it this way: I will be able to communicate more with kapwa pinoys and participate in forums in wordpress.

In changing my blog host, I don’t want to lose my previous posts so I’ve searched for some tips to migrate my posts and comments from my former blog to here. It’s just a breeze. Click here.

h1

i’m timing on time

7 October 2007




I knew I had a problem with time management when I did the following:

a. Watched wowowee’s contestants’ narrations of their lives’ tragedies instead of worrying that I am 30 minutes late and should be ironing my blouse and trousers and oh, taking a bath.

b. Got hooked up with Heroes (a tv series featuring people of superb supernatural powers which is sort of the tv series version of x-men, except that this Heroes plot is so madly woven and the characters deliciously intertwined. thanks to Tim Kring, writer and producer of Heroes) that I am just about to sleep at the exact time my house mates are snoring and dreaming and waking up when almost all of them are gone to work

c. Made up a resolution that I won’t ever be late again and still comes to office through a cab because the bus already passed while I was still in comma

d. Gave excuses that my work is so lame and darn boring… which is true though… (kahit na…)

Wondering how to halt this chronic tardiness of mine, I chanced upon one of the articles in WIkiHow, a a website functioning as manual full of how to’s.

the article is entitled:

How to be punctual

follow the link and if you’re like me working to beat that tardiness out of you, the steps recommended are really helpful, practical and useful you might want to try if it’s effective in you.

as for me, I’ve already started. Wish me the best.

***

Sabi ni Aristotle, we are what we repeatedly do, Excellence then is NOT an ACT but a HABIT.

If I get myself on time with my appointments, I surely am practising myself the habit of being on time. Thus, If I get myself successfully punctual, then tardiness will no longer be a problem with me.

Pero sabi rin sa research, for a certain action to be fully transformed into a habit, it takes 21 consecutive days to practice it. Extra challenge: 21 days of punctuality. walang mintis! Wahaha!

h1

kinikilig

17 September 2007

paano maging blogger?

una, pumunta sa http://www.blogger.com

pangalawa, kung wala ka pang gmail account, it’s time para magkaroon na!

ang username mo at ang password mo sa gmail ay sya ring magsisilbing username at password mo sa blog mo.

pangatlo, pumili ng blog title at blog address (siguraduhing ang mga sumusunod ay embodiment ng iyong personality, wag gumamit ng masyadong general na term gaya ng bilog. 😀 ) at i-key in ang word verification na automatic na nilang ibibigay!

maghintay ng ilang segundo…. 1..2….3….4…

at voila!!!! may blog ka na!!!!

mantakin mo! ganito lang kadali ang paggawa ng blog! mas nahirapan pa akong magkabisa ng multiplication table nung grade two ako kesa sa paggawa ng blog na ito…

pero itong blog na ito at ay simpleng blog pa lamang naman.

marami rami pang options katulad ng paggawa ng blog sa friendster, my space, windows live today, wordpress, at kung anik anik pa… pero katulad ng pagdadala mo ng apelyido ng tatay mo, ganito rin ang sistema ng pangalan o ng address ng blog mo. laging kaakibat ng blog address mo ang domain na naghohost ng blog mo. katulad nitong sa akin: http://www.bilogako.blogspot.com

kung gusto mo namang makalaya sa pangalan ng iyong host, kailangan mong bayaran ang sarili mong pangalan. kung nanaisin kong maging http://www.bilogako.com na lamang ang blog address na ito, kailangan ko pang iregister ang domain na iyon at bayaran panghabambuhay o kung hanggang kailan tatagal ang internet sa mundong ibabaw ang blog address na uniquely sa akin lamang… parang pagpapalit ng pangalan… kailangan mong pumunta sa korte at dumadaan ng samu’t saring proseso para mapalitan ang apelyidong bagong gahasa o nakngtinapa na kaakibat ng iyong first name(if unfortunately eh etu ang apelyido ng angkan nyo).

(same din to ng mga babaeng mag-aasawa, if mag-papalit ka ng gusto mong apelyido, syempre apelyido ng asawa mo, marami pang proseso)

at syempre higit sa lahat, magbabayad ka.

tunay nga naman: freedom has a price.

pero, currently, masaya naman akong dalhin ang apelyidong blogger. chaka user-friendly naman sya, so in na rin ako. chaka wala akong pambayad, kanjus(kuripot sa lenggwaheng urdu) ako.

well… well…well… bakit nga ba ako gumawa ng ikatlong blog?

una, kasi pag trip kong mag-express ng sarili ko in my native languange, magagawa ko. yung isa ko kasing blog, sinusubukan kong pure english sana para mahasa pa ng tuluyan ang aking kakayanang makipagtalastasan sa lenggwaheng banyaga. gwaheheheh…

chaka isa pa, para naman wala lang… mas less serious. hindi naman siguro sa pagiging schizophrenic,pero sa blog na ito, yung kababawang side naman ang ipapakita ko.

ayun… mas maraming blog, mas masaya! wish ko lang…. gwahehehehe….

Currently ang inyong lingkod ay nasa WordPress na po. Kasi mas maraming Pinoy dun at may saysay at makukulay ang buhay ng mga blogger dun.  O baka bias na lang tlga ako.