Archive for the ‘Dubaixperiences’ Category

h1

roasted manok

26 December 2007

Dave sent this to our friends back home. Naka-CC din ako at mga kaibigan namin sa cell group sa FCCD (Filipino Christian Church of Dubai) dito sa dubai.
To say that my heart was tied into knots and that I was deeply touched by his letter is an understatement.
Sobrang malungkot yung pasko namin pero ang diwa nito ay hindi dapat mawala anuman ang sitwasyon o kalagayan namin noon.

     

   This a December 25 email. Im at work today. I wasn’t able to open my emails for almost 2 weeks, napaka busy talaga sa work, kahit ngaun dapat off ako, pinapasok pa din ako kc may tatapusin daw, kaya lng until this time di pa sya (boss) pumapasok sa office.

Anyway, miss ko na ang Pasko sa pinas, kahapon nga eh buong araw akong nasa labas ng office, nag punta sa apat na malls sa Dubai para mag collect ng natapos naming promos, 8 am kami nagsimula, 9pm na ko nakauwi…nakakapagod…. but Christmas is still Christmas, it doesnt change its meaning kahit anung bagay ang naranasan ko, sabi nga ng kanta “tuloy-tuloy pa rin ang pasko”. Kumain kmi ng pritong isda na hiningi ni Ice sa kasama nmin sa bahay, di pa kasi kmi nakapamimili, wala pang katapusan pero di ako nakuntento, kinalkal ko ang wallet ko at bumili kmi ng walang kamatayan roasted chicken (dahil roasted chicken lagi ang inuulam namin kapag hindi nakakaluto sa gabi galing sa trabaho), kinain namin ang kalahati at binaon ung kalahati, may laman man o wala ang hapag kainan Pasko pa din ito, di kayang pantayan ang tunay na diwa at halaga nito.

     Habang pauwi ako kagabi mula sa nakakapagod na trabaho outside ng office nmin, as I walk on the street before I got a ride back home… I looked up and talk to God…. Merry Christmas po Panginoon….salamat sa lahat ng bagay na ipanagkaloob nyo sa araw na ito. Inaalala ko ang dakilang araw ng inyong kapanganakan Panginoong Hesus…mahal na mahal ko po Kayo…. As I pray these things tears slowly flow down from my eyes… I was great to greet the Creator of this universe a merry Christmas…

Soon I’ll be back to my beloved country, my friends, home church and family…
Missing you all this Christmas…

Dave

Advertisements
h1

Faith is being sure of what we hope for and certain of what we do not see (Heb11:1)

5 December 2007

Maraming pwedeng mangyari sa isang araw.

Katulad na lang kahapon.
Umaga, on the way ang tech crew, ang marketing manager at ako syempre, ang dakilang alalay ng lahat,
sa isang Delegation/ Conference sa Ras al Khaimah. Ito ay para i-persuade ang mga Chines investors, na inin-troduce ng
mayutak naming boss, para itapon ipagkatiwala nila ang kaban kabang yaman nila sa lugar na ito.

Brief info:

Ang RaS AL khAimah ay isa sa mga emirates, sampu ng Dubai, na bumubuo sa United Arab Emirates (UAE).

Ras al KhaimahKasalukuyan itong pinapayaman ng pamahalaan ng RAK sa pamamagitan ng pang-iimbita ng mga foreign investors.
Nilalayon nilang tumulad sa Dubai na may man made islandssssss (Palm Jumeirah, Palm Dubai, Palm Deira), aktibong turismo at bilyong dolyar.
Maliban sa naligaw kami kahapon dahil puro disyerto (na may kaakit akit na malagintong sand dunes) eh masarap ang hinandang pagkain sa hotel (Al Hamra) na pinagganapan ng conference.

Sa aming paglalakbay, nagulat ako ng inabot sa akin ng boss kong si Jenny ang ilang pirasong papel at pen.

“Ano ‘to?” wika ko.

“Shusch lai mah! Kow lsiufn. Shing Ching Ping!!!!” sagot niya.

Jowk.

Sabi niya tulungan ko siyang gumawa ng tanong para sa Q&A portion ng Conf. Napailing na lang ako kasi nga naiinis na ‘ko. Hindi mawala sa kanya ang pagiging hindi organisado. Hindi man niya lang ito nabanggit kahapon sa meeting samantalang buong araw kaming magkasama. Di bale na, kako, tatlong araw na lang naman ako dito sa kompanyang ito at lilipat na ko. Konting tiis.

So sige, sulat naman ako ng tanong. Sulat dito, edit doon. Kapag hindi maganda sa pandinig i-cross out agad.
Opo, mahina sila sa spelling. Pero, alam nila kung paano at ano ang itatanong. Kumbaga may ideya na, tinulungan ko na lang sa pag-reconstruct ng sentences/questions at nag-suggest na lang din ako ng pandagdag panggulong tanong.

Bago kami tuluyang bumaba sa Chev ni boss, ok na ang lahat. Hanggang sa makarating kami ng RAK.
Pagkakita sa akin ni pagkagwapong gwapong CEO, (kamukha niya si Daniel Henney. please see pic below), nilapitan niya ‘ko at tumitig sa aking mga mata…Gwapoooo eh inutusan nya yung isa naming staff na i-interpret yung sinasabi niya sa akin (ang alam niya lang sabihin ay OK at very good). Kamukat mukat ako ang inuutusan niyang maging reporter sa halip na yung isa naming staff. Hala! Sabi ko , habang nakatitig sa mapupungay at singkit niyang mata at kahit hindi niya naiintindihan ang English ko,

“Sir, this is impossible! This is ridiculous! I wasn’t informed about this and I will not embarrassed myself by asking these damn questions!”

“In short, mukha mo! Kumag ka, kahit gwapo ka, pingasan ko yang mukha mo eh! Tantanan mo ko kundi ipu-pukpok ko ‘yung mic sa ulo mo.”

In the end nakita ko na lang sarili kong hawak ang mikropono at nakaharap sa camera. Grrr. Wika nga ng mga panang taxi driver dito sa dubai

‘ WHAT TO DO?????!!!!’

Dalawang oras ang pagpunta sa RAK mula Dubai, at maghapon kaming nag-stay para i-cover yung conf.
Buong araw sumakit ang ulo ko. Hindi ko nadala yung gamot sa migraine ko. Dusaaaaaaaa.

Matapos ang lahat lahat, naging positibo naman ang reaksyon ng mga interviewees, ng tech crew, ng MManager at ng CEO sa ginawa kong kabalbalan trabaho.

Instant media rep cum reporter ang lola niyo. aw!

Somehow, it made me realize na I enjoyed having my face in the front of the camera. I found out I can do it without trembling hands and shaky voice. I feel more confident. Kaya ko pala. Kaya ko naman pala.

Before, I really prefer mga prod asst at tech staff tasks kasi ayaw/allergic nga ako sa camera pero ngayong nabigyan ako ng pagkakataon (break kuno), naisip ko, uh… not so bad… karirin ko kaya? Pano mangyayari yun? Gwahehe. eh anim na araw na lang, sa newspaper/magazine na ko. Weeeeeee!!! Walang camera. Meron dun, pressure, pressure, pressure. Although hindi naman pure writing work ko dun, editorial asst kasi yung position which demands admin support at manaka-nakang coordination at writing skills.

Pero dahil nga sa ang dakilang plano ko ay ang mga sumusunod:

1. maging nobelista (libreng mangarap)
2. maging screenwriter (super duper libreng mangarap)
3. mag may ari ng isang TV station… (yebah!)

(baka magkaroon TV appearances pa rin ako kaya dapat may training. naks!)

Plans which are a leeway to spread the good news. For God’s glory.
Mga planong kailangan pa ng approval ng nasa Itaas.

Maraming maraming maraming bagay pa kong kailangan matutunan, kailangang malaman, kailangang baguhin.
Pero ngayon, I pray God would bless me with a teachable heart and the right attitude.

***

Kahapon, nagkaroon ng hindi magandang pangyayari sa office nila Chris.
Umere ang French version TVC sa buong Middle east at nasayang ang $135K.

Isang fatal na pagkamamali na nagbunsod sa boss niyang i-threaten siya na tatanggalin sa work.

I really want to thank God how good He really is for intervening in this situation.Naayos ang di pagkakaunawaan, although malaki yung damage. Pero it seems it wasn’t Chris’ fault at all. ’twas his boss’.

Nais kong i-quote ang sinabi ni Chris ukol sa pangyayari, ‘kapag naisip mong maari talagang mawala ang lahat sa ‘yo sa isang iglap, trabaho, mga minamahal sa buhay, mga bagay na pinundar at pinaghirapan mo, may Diyos naman na may kontrol sa lahat ng bagay na pwede mong sandalan. Magbabago ang pananaw mo sa lahat ng bagay.’

I cannot agree more.

***

Mga photos ng event kahapon:

Arabo at Chino.

Mga Big Boss ko

 

 

 

 

 

 

 

 

Seryosohan na

h1

of ribbons and sweets – on 19th Nov

20 November 2007

Sa maniwala kayo o sa hindi, birthday ko ngayon. Happy birthday to me!
Masaya ako kasi naging mabait si Papa God sa akin despite ng pagiging hindi ulirang anak at pagiging pasaway.
Ngayong araw na ito, maraming sopresa ang naghihintay sa akin.

Una, naka-usap ko ng first time sa YM ang mabait na si Az. Hehe. Lekat. Nacute-an sa fwend ko pero sa akin ang sabi
“Hmm.. mukhang makulit” . Haha! Walang kadeskri-desripsyon. Basta mukhang makulit.
Naging isa siyang mabuting kuya na tinuruan akong magpalit ng header at magpalit ng theme
para macustomized ang header. Gwahehe! Az, thanks talaga ah.
Bale yung specs nung sa akin mail ko na lang kapag natapos ko ng i-conceptualized.

Pangalawa. Nagbigay ng Tiramisu cake at isang napakagandang bouquet ng flower ang aking
butihing boss na si Jenny. Napaka-sweet talaga niya kahit alam na niyang lalayas na ko sa kompanya within 1 month.

Pangatlo. reregaluhan ako ng kapatid kong mabait at ubod ng sungit pero malambing sa loob ng isang LAPTOP!
Oh mi golay!
LAPPPPPTTTTTTTTTOOOOOOOOOOPPPPPPPPPPPPPPPPPP!!!!!

kahit gawin mong 5210 celpon ko o yung tipong pangkaskas ng yero (as long as nakakatwag at nakakatext)
basta bigyan mo lang ako ng pangarap kong laptop, oh mi golay tlga!
kinikilig akooooooooooooooooo!!!!

Heniwei, January pa naman ang dating ng future laptop ko.
Maniwala uli kayo at sa hindi, ang tagal kong pinagpray ang laptop na yun.
Kung isa kang agnostic/atheist na bumabasa na blog na ito, naniniwala akong hindi ka aksidenteng napadpad dito.
Hindi kita pipiliting maniwala sa pinapaniwalaan ko.
Gusto ko lang sabihing at ipahayag ang sarili kong pinaniniwalaan hindi dahil kailangan kong papaniwalain ka kundi
kailangan kong sabihin kung ano ang buhay ko at laman ng puso at isip ko.
But I digress. My apologies.

***

Birthday rin pala ni Banana gurl Annie. Happy burtdey Annie. Taga-abu siya. Ako Dubai. And magkaburtdey tayo! watta coincidence!

***

Century tuna lang ang baon ko sa office. Pero parang feeling ko isa ako sa mga taong sobrang pinagpala ni Tatay.

***

One of these days, baka baguhin ko ang porma at nilalaman ng blog ko. Shift? Huh? Whatever.

h1

aksidente sa Deira Dubai (vehicular accident)

13 November 2007

One of the previous entries I posted tackled a bit about bus and commuting in Dubai.

I forgot to include and discuss the attitude on roads of 95% Dubai drivers  and the havoc they inflicted on people’s lives due to their utmost negligence and ‘sheer stupidity’ as the other motorists comment.

This is only one of the consequences out of that carelessness. Worst thing could occur is death like what happened in this Filipino family where three of their members died.

 

accident in Deira Dubai 1

STRUCK DOWN

 

Captured on the morning of 13th November 2007. Two vehicles collided and produced commotion and traffic in one of the busy streets in Deira, Dubai.Below is the Close Up shot.

accident in Deira Dubai close up

Photos captured with a digital camera by Chris while peeking through his office window just stone’s throw away from the location of the accident.

No official reports have yet been released regarding the casualties of this accident. Let’s keep our fingers crossed that nobody died from this mishap.

***Feel free to proofread this article. I’d love to hear your corrections as long as it is grammatically sound.

h1

moments and people I’ll cherish forever

12 November 2007

friends are people with big hearts and colorful minds who are enthusiastic and ever excited for their friends’ happiness.

thank God Chris and I have this bunch of real good ones! haha 😛

to the cool people Bell, Jing, Babes, Tyn& Kelvin…

this post is dedicated to all of you who extravagantly made our 4th anniversary enchanting and heart warming…

this is also for my mahal… pre… dave… you’re one sweet guy. the foods are terrific! pwede ka ng Chef mahal! lab yu lab yu!

wacky in our anniv

cool floating candles

awesome flowers

gifts from the heart

kewlness lights

 

the Rolle Hotel

 

ang ating mga crew… bow!

 

I love you each and everyday, each happy and sad things strengthens my love for you.
I love you with all the things that we’re not the same.
I love you with all our imperfections and moods.
I love you forever and forevermore.

Let me apologize to my shortcomings, my heartbreaking comments that hurts you heart.
Forgive me for all my mistakes and wrong actions.
Forgive me for not being an ideal boyfriend sometimes.
Forgive me on the times I made your heart cry.
Forgive me in times that seems your less priority in my time.

Please don’t give up on me my dearest love.
I know God will bless us forever and ever and all the generation that will come from us.

Happy happy, happy happy happy fourth year love anniversary!
I love you so much. I’m always proud of you and Im blessed with you.
Millions thanks to you my love.
I love you.

Best kisses,
Chris/ Dave/ Mahal/ Pre

 

***

 

I love you mahal. Thanks for holding on me.
I love you despite of the petty flaws.
You may be not the man whom we see in movies who can fly, or swing on buildings or transform into whatnot’s sweeping girls on their feet..
But you have been the man of God, full of wisdom and sound judgment that can melt my heart and others who listen to you.
Every time you speak, it’s full of sensible things and excellent observations.
I am blessed by your passion to always think of other’s welfare above our own.
Thank you for unselfishly loving me mahal ko.
Thank you for your patient on me.
Thank you for your awesome sense of humour.
Your wit and funny antics always make big problems went lighter and manageable.

I’ve already forgiven you for things that you’ve mentioned.
I, too, have my own shortcomings. Forgive me from all of these as well.

God says let your Yes be Yes and No be No.
So, I’m saying this to you now, without the word promise because this declaration is already an oath for the rest of my life.

I’ll stand by you, I’ll hold on to you, through every circumstances that will come our way, I’ll keep on loving you
and taking care of you. I’ll always let my heart and ears open to words you will say however painful or helpful it may be.

I’ll always be your mahal, your partner, your ‘pre’, your ice, your companion, your love…as long as God allow me.
I’ll always hold your hands and cup your face and kiss it… I’ll always be amazed and amused by you.

I’ll always be here for you…
Happy fourth year love anniversary!
I’ll be grateful in my entire life because I met you.
my Chris, my Mahal, my Dave, my PRE…Thank you so much.

I lab yu lab yu!


with hugs, kisses, tears and love,
Your Ice,Aiza, Pre

 

 

h1

malapit na pala….

6 November 2007

4 na araw na lang at 4 na taon na kami ni chris aka bitoy.

kahit na madalas ayaw niyang hawakan ko ang mukha niya at kurutin at ilong niya dahil lumalabas ‘daw’ ang oil dito,

kahit minsan para ko siyang tatay at detractor sa pag-criticize niya sa akin at sa paraan ng pananalita ko,

kahit minsan nakakalimutan niya akong sabihan ng maganda kahit joke lang,

at kahit minsan nakakalimutan niyang girlfriend niya ko at hindi katropa…

mahal na mahal ko pa rin itong si ka bitoy…

masarap ang kanyang adobong manok at chicken mushroom soup…

tinuturuan niya akong magluto…

inaalagaan niya ko pag may sakit ako…

minamasahe ang ulo kong madalas sumpungin ng migraine…

pinapangaralan niya ako ng mga bagay na hindi ko natutunan sa tatay kong umabandona sa amin (ngunit muling nagbalik upang handugan kami ng awiting rak en rol)

tinuruan niya akong madadaan ang lahat sa pagiging mahinahon at sa diplomasiya at pag-uusap

naitimo niya sa puso at isip ko na maaari kong gawin ang anumang bagay na gusto kong gawin kung ito ay kalooban ng Diyos at kung may passion ako sa bagay na iyon…

na mahalin ang mga bagay na ginagawa ko…

na maging malawak ang pang-unawa…

na masarap tumawa kahit tumatalsik ang laway mo…

na isipin ang mga bagay na makakabuti at makakasama sa kapwa mo…

at higit sa lahat, tinuruan niya akong mahalin ang sarili ko.

Mahal, kung mababasa m ang entry na ito, gusto kong malaman mo na mahalaga ang panahon na nagdaan na magkasama hindi dahil masarap magbilang ng taon at may maipagmamalaki akong long term relationship. Kundi dahil ito ang ibinigay ni Lord para i-enjoy natin ang ganda ng buhay at ang tunay na kahulugan ng acceptance at unconditional love. At kagaya ng sinabi ko sa iyo dati:

Masayang masaya ako na ikaw ang binigay ng Panginoon sa buhay ko
Hindi ko man masabing naghahagalpakan tayo ng tawa lagi (pero madalas,hehehe)
At kung minsan (gaano kadalas ang minsan, ahehehehe)

May mga bagay akong ginagawa na ikinagugulat mo, ikinasasama ng loob mo, o ikina-iisp mosyempre, tandaan mo na lnghindi laging matino ang girlfriend mo
Pero,
ang alam ko lang,
hanggang sa manuot na ang lamig sa mga butuhin kong mga kamay

hanggang sa hindi ko na mabanaag ang pagdatal ng bukang liwayway
hanggang sa araw na hindi ko na mawari kung ano ang panaginip sa pakiwari,
sa pangarap sa katotohanan,
sa malalamig na dampi ng hangin sa mainit na hininga ng haring araw

hanggang sa tumakas na ang buwan at lamunin ng panibagong kinabukasan
ang mga kamay mo lang ang gusto kong hawakan

I lab yu lab yu

me-and-mahal.jpg

h1

I always look forward to the day that I will finally say…

1 November 2007

Sa Dubai, ang magkaroon ng sariling sasakyan ay hindi luxury kundi necessity. Kung isa kang commuter (at nanirahan o naninirahan sa Dubai) na gaya ko, naranasan mo na marahui ang isa sa mga sumusunod:

 

a. Maging biktima ng mass genocide

 

Umagang umaga, kaliligo mo pa lang at fresh na fresh ka pa. Pati ang hanging sinisinghot singhot mo ay malamig at tunay na nakagiginhawa ng pakiramdam. Dahil hindi naman rampant ang pollution sa Dubai, hindi mo na aabalahing kunin ang panyo sa iyong bulsa na may burda pang letter L na gawa ng iyong nanay upang hindi ito nenokin ng kasama mo sa bahay. Sumakay ka nasa bus na trenta minutos mong hinintay. Biglang bigla, akala mo umatake na ang biological weapon na matagal ng isinekreto ng mga iranyan. Nakita mo ang sarili mong hindi makahinga sa anghit ng mga bagong sakay na pana at patan na classified sa dalawang uri: a.) anghit na mala-sibuyas at b.) anghit na mala-bayabas. Actually, pareho namang nakasusulasok ang amoy niyon. Makalipas ang ilang Segundo, natagpuan mo na lang sarili mong bad trip ,masuka-suka at gustong pumatay ng tao.

 

b. Tubuan ng ugat

 

Nabanggit ko na ba na isang dekada bago ka makasakay ng bus?

Isa sa mga bagay na namiss ko sa Pinas ay ang tricycle at jeep. Hindi naman sa nangulila ako sa sensasyon ng pag-ugoy ng tricycle kapag dumadaan sa humps o ang pakikipagrambulan ko sa Guadalupe para makasakay ako ng jeep papuntang Pateros. Namiss ko ang pagiging accessible (somehow…most of the time) ng mga sasakyang nabanggit ko. (Pwera na nga lang kung maulan at bumabaha na.) Dito kasi, may schedule ang bus. Yung ibang bus, every after 10 minutes. Yung iba 30 minutes. Madalas sa kanila every after 10 centuries.

 

c. Inhumane Treatment

 

Pagkatapos mong maghintay ng habambuhay, dumating din sa wakas ang mga tinamaan ng magaling na bus. Pagtapat nito sa bus stop kung saan ka naghihintay with your 2.5-inch heels, bubukas ang pintuan ng bus at magmamadali ka ng makapasok. Kala mo sinwerte ka na hanggang sa sabihan ka ng driver nito ng:

 

“Sorry. No more seats.” Sabay sara ng bus door at hindi ka na hahayaan nitong maka-recover.

 

Sa madaling sabi, maghihintay ka uli ng panibagong lifetime.

 

d. Makakakilala ng mga kapwa pinoy

 

Heto ang pinaka-exciting na part ng paghihintay ng bus. Marami-rami na rin akong nakilalang mga “Kabayan” dito sa Dubai. Marami sa kanila makukulay talaga ang buhay.

Samu’t saring personality: tahimik, pakialamera, kumag, maabilidad, babaero, mahilig mam-boys, mahilig gumimik, Muslim, Kristyano, INC, mabilis magsalita, mabagal maglakad, mahilig mang-irap, mapang mata, mapagkumbaba, mahilig sa pinoy, mahilig sa arabo, talsik laway, bibo, mayabang, mahiyain, confident, overconfident at marami sa kanila mahilig magtanong kung saan ako nakatira sa Pinas. Gwahehehe.

 

Yung pinaka-hate ko lang talaga sa mga nakilala kong kapwa Pinoy eh yung tipong ikinakatwang Pinoy siya. Tapos, tatanungin mo lang tungkol sa lugar, iirapan ka at titignan ng matalim. Para bang sinasabing, ‘Huwag mo akong kakausapin, kundi dudutdutin ko mata mo!’ Ang totoo, yung ibang naging kaibigan ko na sa paghihintay ng bus, kinuwento sa aking naranasan na rin nila makalamuha ang mga kagaya ng hunyangong ito.

 

At lastly, ang pinakamagandang pwedeng mangyari sa iyo kapag naghihintay ka ng bus ay ang ma-convince mo ang sarili mong maglakad na lang.

 

Not so bad. At least for me.

 

Kasi kung hindi ako nagmasipag nung isang araw na maglakad, hindi ko mapupulot ang cute na cute na digicam na ito.

pulot lang ito

Gwahehehehehe..

 

PS. Sabi ni Lord, don’t covet. Kaya naman nag-email na ako sa isang sikat na newspaper publication dito sa Dubai, UAE upang i-publish na nila ang napulot kong digicam.

 

PS.2

Nung isang araw lang, habang nag-gogrocery ako, ang ini-ingat ingatan kong 80dirhams (900phpesos) ay naiwala ko.

well, buhay nga naman oo!